Sabado, Hulyo 26, 2014

-KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA-


  Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent.  Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog.  Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia .Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean. Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria.

 *HEOGRAPIYA*
Lugar kung saan matatagpuan ang FERTILE CRESCENT

 Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego n ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng ilog." Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates. Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na FERTILE CRESCENT nga mga lupain sa Kanlurang Asya.


Busto ni Haring Sargon/
Sargon the Great

*MGA UNANG EMPERYO*

AKKADIAN
     Dulot ng madalas na pakikidigma ng mga lunsod-estado ng Sumer sa isa't-isa, humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang teritoryo. Dahil Dito unti-unting nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng kaharian ng Akkad na pinamumunuan ni Sargon the Great. Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang nasakop ng Akkad at kinilala bilang unang Emperyo.


BABYLONIAN

Ang namuno sa Babylonia
 na si Hammurabi
   Sa Pagsapit naman ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia. Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon 
( nangangahulugang pintuan sa langit). Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1750 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang runok ng kapangyarihan sa pamumuno ni HAMMURABI. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop ng pastoralistang nomadiko.


ASSYRIAN
   Mula naman 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo. Ang mga Lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay oinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa kaaway at mananalakay.

CHALDEAN
   Sa pagkatalo ng mga Assyrian, itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Muling naging sentro ng bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang mahigit 1 000 taon nang una itong naging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.
Ang HANGING GARDENS na ipinagawa ni Nebuchadnezzar
   Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar. Ito ay dahil sa ipinagawa niya ang "HANGING GARDENS" na itinuturing na isa sa SEVEN WONDERS OF THE ANCIENT WORLD. Ito ay isang bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amyitis. Pagsapit ng taong 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng mga Chaldean


*RELIHIYON*

Ilan sa mga pinaniniwalaang diyos ng mga Sumeryano
  Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay. Ang pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si "ENLIL", ang diyos ng hangin at mga ulap. Si Shamash naman ang diyos ng araw at nagbibigay ng kaliwanagan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Ang pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masamang Udug na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.


ANG KABIHASNAN SA EGYPT

    Sa kanluran ng FERTILE CRESCENT, sumibol ang isang kabihasnan sa pampang sa Ilog Nile. Kumpara sa mga lungsod-estado na nabuo sa MESOPOTAMIA, maagang naging kaharian ang Egypt kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.

Ang malawak na Disyerto ng Sahara
Natatangi ang lokasyon ng Egypt sapagkat ito ay napapalibutan ng disyerto. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai, sa Timog naman ay Disyerto ng Nubia, at sa Kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. Sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsyo.


*SIMULA NG KABIHASNAN NG EGYPT*
 Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod laman ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: ang Lumang Kaharian; Gitnang Kaharian; at Bagong Kaharian.

LUMANG KAHARIAN
 Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon ay itinuturing ding isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt. Bilang pinuno ng hukbo, tungkulin ng paraon na pangalagaan ang kaharian mula sa mga manananakop.
Haring Mentuhotep

GITNANG KAHARIAN
 Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Ito ay ang pagsisimula sa Gitanang Kaharian. Muling pinalakas ng paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalakalan sa ibang lupain. Gayunman, ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya naman kilala rin ito sa katawagang "Panahon ng mga Maharlika."


BAGONG KAHARIAN
Ahmose I
 Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Muli niyang isinaayos ang pamahalaan at pinabukas niya ang mga minahan at mga rutang pangkalakalan. Sinakop din niyang muli ang Nubia at Canaan kaya tinagurian itong "Panahon ng Imperyo" ang pamunuan ng mga paraon ng Bagong Kaharian



*RELIHIYON*
 Katulad ng mga taga-Mesopotamia, ang paniniwala ng mga Ehipsiyo ay politeistiko. Umabot sa mahigit 2000 ang diyos ng gma Ehipsiyo. Ilan sa kanilang mga diyos ay si Ra, ang diyos ng araw; si Horus, diyos ng liwanag; at si Isis ang diyosa ng mga Ina at asawa.
Ilan sa mga diyos ng mga EHIPSIYO

Ilan lang sa mga diyos ng mga Ehipsiyo
Mula sa Kaliwa ay si Ra ang diyos ng araw; Horus, diyos ng liwanag; at Isis, ang diyosa ng liwanag


*PAGSULAT*
Papyrus Reeds
 Noong unang panahon ang mga Ehipsiyo ay nagsusulat lamang sa bato at luad, hanggang sa naimbento nila ang papel na mula sa "Papyrus Reeds"
Halimbawa ng Hieroglyphics

Ang sistema ng kanilang pasusulat noon ay tinatawag na HIEROGLYPHICS.








KABIHASNAN SA INDIA

Heograpiya:

       Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000                                   B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.

Antas ng Tao sa Lipunan:
   Ang mga Aryano ang nag nagpasimula ng sisteamang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano. Sa Simula, nahati lamang sa tatlong ang uri ng mga tao sa lipunang Aryano. Una ay ang mga Brahmin na binubou ng mga kaparian, mga Kshatriya na binubou ng mga pinuno at mga mandirigma, at ang mga Vaishya na binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.

Panitikan: 
   Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India - ang MAHABHARATA at RAMAYANA. Tinatayang nabuo ang MAHABHARATA noong 1000 hanggang 700 B.C.E. Ito ay naglalaman ng 90 000 taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo. Inilalahad nito ang digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva.
    Samantala ng RAMAYANA naman ay nasa anyong patula rin. Inihahalad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kanyang asaw na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinunong si Ravana. Dahil dito nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.


KABIHASNAN sa CHINA

Heograpiya:
   
Ilog ng Huang Ho at Yangtze
Sa lambak sa pagitan ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa Hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko.  Ang mga Kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng Timog-Silangang Asya. 



Mga Sinaunang Dinastiya:

Yu


Dinastiyang Hsai - Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ngDinastiyang Hsai ang pamayanan sa paligid ng Huang Ho. Angunang hari nito ay si Yu na isang inhenyero at Matematiko. Sa pamumuno ni Yu, Nagsigawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha sa ilog.
Shang





Dinastiyang Shang - Pumalit ito sa Dinastiyang Hsai noong 1500 BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng pag hahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa pagamit ng Bronse, at ang pagaantas  sa lipunan.


Zhou



Dinastiyang Zhou - Noong Taong 1027 BCE, napatalsik ng dinastiyang Zhou ang   dinastiyang Shang. Bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinagpatuloy nila ang konsepto ng "Tian Ming" o "Mandato ng Langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.




Qin




Dinastiyang Qin - Ang nag tagumpay sa nagdidigmaang estado na pumalit sa     Dinastiyang Zhou. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.




IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

Ang mga Hitito:
  Nagmula sa mga damuhan sa Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang Hattusass. Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya
Ang Chariot ang isa sa mga susi kung bakit laging nagtatagumpay ang mga Hitito.

Ang Mga Phoeniciano:
   Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa maunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko, manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos. Bagama't hindi naging imperyo ang unang lungsod ng mga Phoeniciano, nagpadala naman sila ng tao upang magtatag ng kolonya sa Italy, Africa, at Spain.

Ang mga Persyano:
   Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persya ay halaw sa katagang "Persis", bansag sa mga griyego sa lugar na iyon. Sa simula,sumailalim sa makapangyarihang imperyo ng Assyria ang Persia hanggang sa taong 612 BCE. Kalaunan tinalo nila ang imperyo ng Assyria at lumaya sa pananakop nito.

Ang mga Kabihasnan sa America

Ang Mga Olmec:
 Tinatawag na Olmec o Taong Goma o Rubber People ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng golopo ng Mexico noon 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang "Base Culture" ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nalikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.






Ang Mga Teotihuacano:
Teotihuacano
  Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan. Ito ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Mula 100 CE, ang lugar na ito ay naging sentro ng magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.








Ang Mga Mayan:

  Nagsimulang sumibol ang Kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong pangrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at nanging mga lungsod tulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.


*KABUHAYAN*
  Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan. Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela, pagpapalayok, at pag-ukit sa Jade, Obsidian, Kahoy, Kabibe, at Bato. Ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.


*RELIHIYON*
CENOTE
  Politeistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay. Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, bulaklak, at insenso. May pagkakataon din na nag-aalay sila ng tao sa mga "CENOTE", isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang diyos.



*ANG MGA AZTEC*
    Sa hilagang Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa Tenichtitlan, unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian. Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno. 


*ANG MGA INCA*
Kultura ng mga INCA
     Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, limawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging matagumpay ang inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma


*KABIHASNAN SA AFRICA*
Nok
   Sumibol ang kultura at kabihasnan sa Africa. Ang mga taong Nok ang isa sa mga sinaunang kultura na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200CE. Ang Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa baging iyon ng Africa. Lumikha din sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahot at mga bato.




Hukbo ng Kushite

*Ang mga Kushite
  Ang relihiyon ng Nubia ay napasailalim sa mga kapangyarihan ng mga Ehipsiyo na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush.  Unti-unting nakamitng mga Kushite ang kanilang hukbo noong 751 BCE, nasakop nila ang Egypt.


*Ang mga Aksumite*
Isang Stelae sa Aksum
   Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe. 

*Ang mga Imperyong Pangkalakalan*

Ang Ghana 

   Soninke ang tawag sa mga mamamayan ng Ghana. Pagsasaka at pagpapanday ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang teritoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula naman sa hilagang disyerto.





Ang Mali 
    Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop. 




Ang Songhai
   Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa. 


KABIHASNAN SA PASIPIKO

Polynesia
   Binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand ang Polynesia. Polynesia galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ngangahulugang "pulo". Sakot nito ang teritoryo sa Hawaii sa hilagang-silangan. 


POLYNESIA


Micronesia
    Bahagi pa rin ng Pasipiko ang Micronesia ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Galing ito sa salitang griyego namikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Matatagpuan ang Micronesia sa silangan.  

MICRONESIA

Melanesia
   Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Galing din sa salitang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Tinitirahan ng mga taong maitim ang balat. 
MELANESIA
All Pictures used in this blog is a courtesy of  Google.